Revision 1255173 of "Diosdado Macapagal" on tlwiki

{{Infobox President |
name           = Diosdado Macapagal
image          = Diosdado Macapagal USS Oklahoma City 1962 cropped.jpg |
order          = Ika-9 na [[Pangulo ng Pilipinas]] <br> ''Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika'' |
term_start     = [[Disyembre 30]], [[1961]] |
term_end       = [[Disymbre 30]], [[1965]] |
vicepresident = [[Emmanuel Pelaez]] |
predecessor    = [[Carlos P. Garcia]] |
successor      = [[Ferdinand Marcos]] |
birth_date     = [[Setyembre 28]], [[1910]] |
birth_place    = [[Lubao, Pampanga|Lubao]], [[Pampanga]]|
dead           = dead |
death_date     = [[Abril 21]], [[1997]] |
death_place    = [[Lungsod ng Makati]]|
party          = [[Partidong Liberal]] |
occupation     = Manananggol |
spouse         = (1) Purita dela Rosa† <br />(2) [[Eva Macapagal|Evangelina Macaraeg]] |
religion       = [[Katoliko]] |
| order2        = Ika-6 na [[Pangalawang Pangulo ng Pilipinas]]<br>''Ika-apat na Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika''</br>
| term_start2=[[Disyembre 30]], [[1957]]
| term_end2=[[Disyembre 30]], [[1961]]
| predecessor2=Wala<ref>Hindi nagtalaga ang Kongreso ng [[Pangalawang Pangulo ng Pilipinas|Pangalawang Pangulo]] nang naupo si Garcia sa pagkapangulo, mula kay Magsaysay, alinsunod sa Konstitusyon ng 1935</ref>
| successor2=[[Emmanuel Pelaez]]
| president=[[Carlos P. Garcia]]
|}}

Si '''Diosdado Pangan Macapagal''' ([[Setyembre 28]], [[1910]] - [[Abril 21]], [[1997]]) ang ikasiyam na [[pangulo ng Pilipinas]] ([[Disyembre 30]], [[1961]] - [[Disyembre 30]], [[1965]]) at ay ang ikasiyam na [[Pangulo ng Pilipinas|Pangulo]] ng [[Pilipinas|Republika ng Pilipinas]] ([[Disyembre 30]], [[1961]]-[[Disyembre 30]], [[1965]]). Ama siya ni [[Gloria Macapagal-Arroyo]] na naging pangulo rin.

==Talambuhay==
Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente.

==Sariling buhay==
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si [[Gloria Macapagal-Arroyo]], ang dating [[Pangulo ng Pilipinas]], at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr....

==Edukasyon==
Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga.  Nagtapos siya ng kolehiyo mula sama University of Sto.Tomas.  Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya.  Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.

Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang [[Amerikano]].  Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953.  Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (''Rural Health Law'') at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (''Minimum Wage Law'').  Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (''US-RP Mutual Defense Treaty'').  Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961.  Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (''Agricultural Land Reform Code'') at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa.  Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (''retail'') at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa.  Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa [[Sabah]] (opisyal na iniharap noong [[Hunyo 22]], [[1962]]), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa [[Kasunduang Maynila]].

Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal.  Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal.  Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965.  Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971.

==Kamatayan==
Namatay siya dahil sa atake sa puso, [[pneumonia]], at sakit sa [[bato (anatomiya)|bato]], sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (''Makati Medical Center'') sa [[Lungsod ng Makati]], noong [[Abril 21]], [[1997]], sa edad na 86.  Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa [[Taguig]], [[Maynila]].

==Mga kawing na panlabas ==
*[http://www.op.gov.ph/museum/pres_macapagal.asp Malacañang Museum: Diosdado Macapagal (sa wikang Ingles)], ang kaniyang museo

==Mga sanggunian==
{{Reflist}}

{{start box}}
{{succession box |
  before= [[Carlos P. Garcia|Carlos Garcia]]|
  title= [[Pangalawang Pangulo ng Pilipinas]] |
  years= 1957–1961 |
  after= [[Fernando Lopez]]
}}
{{succession box |
  before= [[Carlos P. Garcia|Carlos Garcia]] |
  title= [[Pangulo ng Pilipinas]] |
  years= 1961–1965 |
  after= [[Ferdinand Marcos]]
}}
{{end box}}

{{Mga Pangulo ng Pilipinas}}
{{Mga Pangalawang Pangulo ng Pilipinas}}

{{BD|1910|1997|Macapagal, Diosdado}}

{{DEFAULTSORT:Macapagal, Diosdado}}
[[Kaurian:Mga Kapampangan]]
[[Kaurian:Mga pangulo ng Pilipinas]]
[[Kaurian:Mga Kristiyano]]

[[bcl:Diosdado Macapagal]]
[[cbk-zam:Diosdado Macapagal]]
[[da:Diosdado Macapagal]]
[[de:Diosdado Macapagal]]
[[en:Diosdado Macapagal]]
[[es:Diosdado Macapagal]]
[[fr:Diosdado Macapagal]]
[[gl:Diosdado Macapagal]]
[[id:Diosdado Macapagal]]
[[ilo:Diosdado Macapagal]]
[[io:Diosdado Macapagal]]
[[it:Diosdado Macapagal]]
[[ko:디오스다도 마카파갈]]
[[la:Deodatus Macapagal]]
[[lt:Diosdado Macapagal]]
[[ms:Diosdado Macapagal]]
[[nl:Diosdado Macapagal]]
[[no:Diosdado P. Macapagal]]
[[oc:Diosdado Macapagal]]
[[pag:Dionysus Macapagal]]
[[pam:Diosdado Macapagal]]
[[pl:Diosdado Macapagal]]
[[pt:Diosdado Macapagal]]
[[ru:Макапагал, Диосдадо]]
[[tr:Diosdado Macapagal]]
[[war:Diosdado Macapagal]]
[[zh:迪奥斯达多·马卡帕加尔]]
[[zh-yue:馬卡帕加爾]]