Difference between revisions 12288 and 12529 on tlwikibooks

__NOTOC__
==Buod==

Nabalita sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay Basilio. Dinamdam ng bayan nang higit niang huli. Maaari raw ipatapon o patayin ang binata. Enero rin daw nang bitayin ang tatlong martir sa Kabite. Mga pari na iyon, nabitay pa. Tiyak daw na bibitayin din si Basilio.

Nagkagayon daw si Basilio, ayon kay Hermana Penchang, dahil di nag-aagwa bendita sa Simbahan dahil narurumihan sa tubig. Hindi raw nakasasakit ang agwa bendita. Nakagagaling pa nga raw ito. May ilan pa ang nanisi rin sa binata.

(contracted; show full)

Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon. Tumalon sa bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali ay patakbong bumaba sa pinto ng kumbento at nilibot ang daan at nagsisigaw at nagpupukpok sa pinto ng kumbento ni Tandang Selo. Itinaboy ito ng palo at tulak.

[[Category: El Filibusterismo|30]]