Difference between revisions 12762 and 12851 on tlwikibooks

__NOTOC__

Ang mga sumusunod ay ang mga litaw o pangunahing tauhan sa nobelang '''''El Filibusterismo'''.

====Simoun====
mapanghimagsik, kumakatawan sa bahagi ng lipunang Pilipino na nagsagawa na sa pang-aaping pamamahala at nais niyang ibagsak ang pamahalaan sa anumang paraan. Subalit wala naman siyang balangkas ng pamahalaan kung sakali’t siya’y magtagumpay sa himagsikan. Hindi niya naiisip ang pagwawasto ng kamalian bagkus nais niya ang pagpaparusa at paghihiganti.

====Isagani====
Ang makatang kasintahan ni Paulita. Siya ay makabayan at lubos kung magmahal.

====Basilio====
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

====Kabesang Tales====
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle
[[Talaksan:Halimbawa.jpg]]

====Tandang Selo====
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

====Ginoong Pasta====
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal at sya rin ang takbuhan ng nangagaylangan at si
ya rin ang pinaka bantog na manananggol sa bayan nila

====Ben-zayb====
Ang mamamahayag sa pahayagan

====Placido Penitente====
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan

====Padre Camorra====
Ang manyak at mukhang artilyerong pari

====Padre Fernandez====
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

====Padre Florentino====
Ang amain ni Isagani. Sa kanya isinalaysay ni Simoun ang lahat ng nangyari labing tatlong taon na ang nakalipas.

====Padre Irene====
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

====Juanito Pelaez====
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

====Makaraig====
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

====Sandoval====si fausto
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

====Donya Victorina====
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita

====Paulita Gomez====
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

====Quiroga====
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas

====Juli====
Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
namatay sa kadahilanang pagtakas sa pagtatangka ng isang pryle na siyay pagsamantalahan

====Hermana Bali====
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra

====Hermana Penchang====
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli

====Ginoong Leeds====
Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya

====Imuthis====
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Mr. Leeds. Palaging tinitingnan si Padre Salvi. 
Dahil sa pagsasabi nito na si padre salvi ay mamamatay


[[Category: El Filibusterismo|*]]