Difference between revisions 19216 and 19685 on tlwikibooks

__NOTOC__
==Buod==
Dinatnan ni Padre Florente na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan(contracted; show full)

Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.

Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtat
along taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakabay.

[[Category: El Filibusterismo|03]]