Revision 25738 of "El Filibusterismo/Kabanata 10 : Kayamanan at Karalitaan" on tlwikibooks

Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Kinausap ni Simoun si Tales at ipinakita ang rebolber na sapat na upang maipagtanggol ang sarili niya sa mga tulisan, ngunit tila walang imik ito. Ngunit nang makita ni Simuon ang agnos na noo'y binigay niya kay Maria Clara ay inalok niya na tawaran ito kay Tales kapalit ang isang rebolber ngunit isasangguni muna raw niya ito kay Huli. Nang magtatakip-silim ay lumabas si Tales upang dalawin si Huli ngunit nang siya ay mapadaan sa dating lupa ay nakita niya ang mga administrador ng lupa at magsasaka na tila tinatawanan siya, madalian na lamang siyang bumalik sa bahay niya. Kinabukasan ay nagising na lamang si Simoun na wala na ang kanyang rebolber sa tabi at kanyang nakita na lamang ay ang sulat na iniwan at agnos.  Dahil dito ay ikinatuwa 'to ni Simoun daliang nagpautos sa mga tauhan na magpunta sa San Diego. Samantala, dadakipin sana ng mga guwardya sibil si Kabesang Tales sa kanyang bahay ngunit wala siya doon, kaya't si Tandang Selo na lamang ang kinuha. Nang sumunod na gabi, tatlo ang nabalitaang patay. Ang administrador ng mga prayle, bagong nagsasaka sa lupa ni Tales at ang asawa nito. Natagpuan silang patay na puno ng lupa sa bibig at sa tabi nila ay may papel na nakasulat sa dugong, "Tales."

weffriddles.com/wr101/212.html