Difference between revisions 12261 and 12262 on tlwikibooks__NOTOC__ El Filibusterismo ==Buod== Ang Kapitan Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang banda ng musiko sapagka’t siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril na ibon o usa ang Kapitan heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagka’t maawain siya sa hayop. Ang totoo’y natutuwa ang kapitan heneral dahil di makikita na di siya makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa Los Baños. (contracted; show full) Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni Simoun. Ipinalalagay ng nangakarinig na ang gayong kaisipan ni Simoun ay gawa ng pagkaharang sa kanya ng mga tulisan. Sinabi naman ni Simoun na nang pigilan siya ng mga tulisan ay walang kinuha sa kanya kundi ang 2 niyang rebolber at mga bala. Kinumusta pa raw ang heneral. Marami raw baril ang tulisan . Anang heneral ay ipagbabawal niya ang mga sandata. Ani ni Simoun: Huwag. Ang mga tulisan ay marangal; sila ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila. Halimbawa, pakakawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking mga alahas ? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga tulisan sa bayan at siyudad. Gaya ninyo, ani Padre Sibylang nakatawa. Gaya natin , ganti ni Simoun, Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan. (contracted; show full) Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang hesuwita. Nagsabad- sabaran ang magkakaharap at di naunawaan ang lahat. Pumasok ang kura sa Los Banos upang sabihing nakahanda na ang pananghalian. Siyang pagbulong ng mga Kawani sa Heneral. Ang anak noong si Kab. Tales ay humihiling na palayain ang kanyang nuno na napipiit kapalit ng ama. Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya. Sumang-ayon ang Heneral. [[Category: El Filibusterismo|11]] All content in the above text box is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike license Version 4 and was originally sourced from https://tl.wikibooks.org/w/index.php?diff=prev&oldid=12262.
![]() ![]() This site is not affiliated with or endorsed in any way by the Wikimedia Foundation or any of its affiliates. In fact, we fucking despise them.
|