Difference between revisions 12262 and 13520 on tlwikibooks

__NOTOC__
El Filibusterismo

==Buod==
Ang Kapitan Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang banda ng musiko sapagka’t siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril na ibon o usa ang Kapitan heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagka’t maawain siya sa hayop. Ang totoo’y natutuwa ang kapitan heneral dahil di makikita na di siya makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa Los Baños.

Naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los-Banos ang Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene. Galit na galit naman si Padre Camorra. Hindi alam ng huli na kaya nagpapatalo ang dalawang kura ay sapagka’t nais nilang makalamang sa isa sa pakikipag-usap sa Kapitan ukol sa paaralan ng kastilang balak ng kabataan.

Samantalang nagsusugal ay pinag-aralan at pinasyahan ng Kapitan ang mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim pagpapalit ng tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon at iba pa. Saka na ang ukol sa paaralan ng kastila. Naroon si Don Custodio at isang prayleng Dominiko- si Padre Fernandez.

Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni Padre Irene na ikinapanalo ng Kapitan. Punyales, si Kristo na ang makipagsugal sa inyo! ani Padre Camorra at tumayo na.

(contracted; show full)

Sa kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio , Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang huli ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling.

Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni Simoun.

Ipinalalagay ng nangakarinig na ang gayong kaisipan ni Simoun 
ay gawa ng pagkaharang sa kanya ng mga tulisan. Sinabi naman ni Simoun na nang pigilan siya ng mga tulisan ay walang kinuha sa kanya kundi ang 2 niyang rebolber at mga bala. Kinumusta pa raw ang heneral. Marami raw baril ang tulisan . Anang heneral ay ipagbabawal niya ang mga sandata. Ani Simoun: Huwag. Ang mga tulisan ay marangal; sila ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila. Halimbawa, pakakawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking mga alahas ? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga tulisan sa bayan at siyudad. 

Gaya ninyo, ani Padre Sibylang nakatawa.

Gaya natin , ganti ni Simoun, Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan. 

Ika-11:30 na. Itinigil ng heneral ang laro at parunggitan. May kalahating oras pa’t manananghali na marami pa tayong suliraning pag-uusapan. 

(contracted; show full)

Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang hesuwita. Nagsabad- sabaran ang magkakaharap at di naunawaan ang lahat. Pumasok ang kura sa Los Banos upang sabihing nakahanda na ang pananghalian. 

Siyang pagbulong ng mga Kawani sa Heneral. Ang anak noong si Kab. Tales ay humihiling na palayain ang kanyang nuno na napipiit kapalit ng ama. 

Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya. Sumang-ayon ang Heneral.

[[Category: El Filibusterismo|11]]